Kayo po na naka-upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw,
At baka matanaw ninyo,
Ang tunay na kalagayan ko.
(Ganito kasi 'yun eh.)
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
malaking bahay at malawak na bakuran, mataas na pader pinapaligiran,
At naka pilang mga mamahaling sasakyan,
Mga bantay na laging bulong ng bulong,
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong,
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong,
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong,
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon,
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon,
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan,
Sabi pa nila dito mo rin matatagpuan,
Ang taong nagmamay-ari ng isang upuan,
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan,
Kaya naman hindi niya pinakakawalan,
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan.
Kayo po na naka-upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw,
At baka matanaw ninyo,
Ang tunay na kalagayan ko.
Mawalang galang na po,
Sa taong naka-upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno,
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero,
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo,
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin,
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Ang gamit na panggatong na inanod lamang sa istero,
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo,
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero,
Na nagagamit kapag ang aking ama ay sumueldo,
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin,
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin,
Di ko alam kung talagang maraming harang,
O mataas lang ang bakod,
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo,
Kahit sa dami ng pera nyo,
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata nyo kaya..
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaay wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Hehey,(Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
Yeahhey...